Ano ang mga dapat ibigay na ikapu at saan ito kukunin?

Lev 27:30  And all the tithe of the land, whether of the seed of the land, or of the fruit of the tree, is the LORD’S: it is holy unto the LORD.

Lev 27:31  And if a man will at all redeem ought of his tithes, he shall add thereto the fifth part thereof.

Lev 27:32  And concerning the tithe of the herd, or of the flock, even of whatsoever passeth under the rod, the tenth shall be holy unto the LORD.

Lev 27:33  He shall not search whether it be good or bad, neither shall he change it: and if he change it at all, then both it and the change thereof shall be holy; it shall not be redeemed.

Lev 27:34  These are the commandments, which the LORD commanded Moses for the children of Israel in mount Sinai.

 

SAGOT: 1).Ang mga ibibigay ay ang IKASAMPU hindi ang unang ikasampu, o ikalawang ikasampu, ikatlo atbp, kundi ang ikasampu. Ang batas ng pag-iikapu na ayon sa kasulatan ay kung may ikasampung BAHAGI. Halimbawa, kung siyam lamang ang bagong mga anak sa iyong bakahan ay maliwanag na walang ikasampu at walang ibibigay ang Israelitang iyon.Kung siyam lamang ang mga prutas o siyam lamang na mga gulay ang inani mo ay wala kang ibibigay na ikasampu.

 

2). May panukat pala kasing ginamit tungkol sa ikapu ng mga hayop b.32. Kung pag-iikapu sa ngayon ang paiiralin ay hahatiin lamang nila sa sampu ang benta.

 

3). Mga pang-agrikulturang produkto lamang ang dapat ipag-ikapu gaya ng mga gulayin, prutas at mga alagang hayop.Alam ito ng mga Pariseo. Mateo 23:23

 

4). Yaon ay itinuturing na mga banal na bagay. Hindi nila iniisip na basta makapagbigay lang, kundi, na ito ay isang banal na bagay kasi para sa Panginoon. Ngayon, kung para sa Dios ang gagawin mo ay marapat na alamin mo muna kung ano ang ipinapagawa ng Dios.

 

5). Hindi puwedeng tubusin ng pera ang ikapung galing sa bunga ng lupain, kung magkagayon ay kailangang idagdag pa ang ikalima.

 

6). Ang ikapu sa hayop ay ‘di dapat siyasatin kung ito ay mabuti o masama (kung malusog man o sakitin o mahina) at ‘di dapat palitan, at kung palitan ay pati yaong ipapalit ay magiging banal sa Panginoon. Ibig sabihin, kung nais mong palitan ang ikapu sa hayop, pati yaong ipapalit mo ay dapat mong ibigay. Hindi rin puwedeng tubusin ng pera ang ikapung ito.

 

7). Sa Deuteronomio 14:7-8, lalong ‘di puwede kung ang ibibigay mo ay kabilang sa maruruming mga hayop kagaya ng baboy (o kung ang pera mo ay galing sa pagbebenta ng baboy at ng iba pang maruruming hayop). Walang matino at masunuring Israelita ang mag-aalaga ng hayop na itinuturing na marumi ayon sa kasulatan na kanilang natutunan. Kakaiba sa pag-iikapu na ginagawa sa ngayon.

Deut. 14:7  Nevertheless these ye shall not eat of them that chew the cud, or of them that divide the cloven hoof; as the camel, and the hare, and the coney: for they chew the cud, but divide not the hoof; therefore they are unclean unto you.

Deut. 14:8  And the swine, because it divideth the hoof, yet cheweth not the cud, it is unclean unto you: ye shall not eat of their flesh, nor touch their dead carcase.

 

8). Walang nabanggit na sa sweldo o kinita ng napagbentahan kukunin ang ikapu.

Kakaiba sa pag-iikapu na ginagaya ng mga Hentil o mga nagsasabing kristyano sa ngayon sapagkat sa sweldo kinukuha at hinahati sa sampu at una munang hinihiwalay ang unang ikasampu mula sa sweldo at palatandaan daw na inuuna mo ang Dios ayon sa Mateo 6:33.

Mat 6:33  But seek ye first the kingdom of God, and his righteousness; and all these things shall be added unto you.