Ano ang mga panuntunan sa pagtingin sa kautusan?

Tingnan muna ang sinasabi

     Napakalaki ng kawalan kung ang pamamaraan ng isang nag-aaral ng Salita ng Dios ay hindi ayon sa Kanyang Salita. Ibig sabihin nito, na hindi lamang pala sa ibinigay ng Dios ang Kanyang Salita, binigyan N’ya rin tayo ng pamamaraan kung paano ito babasahin at gagawin. Halimbawa, sa Aklat ni Joshua 1:8, mababasa na ang Aklat ng kautusan na ibinigay ng Dios kay Moses noon ay dapat basahin sa ganitong paraan. “Ang aklat na ito ng kautusan ay ‘di dapat mawalay sa inyong mga bibig; subalit kayo ay magbubulay nito sa umaga at gabi, upang inyong masunod na gawin nang naaayon sa lahat na nasusulat niyaon: at sa gayon kayo makakagawa ng iyong daan na maging maunlad, at sa gayon kayo ay magkakaroon ng mabuting pagtatagumpay.” Jos.1:8

 

Jos 1:8  This book of the law shall not depart out of thy mouth; but thou shalt meditate therein day and night, that thou mayest observe to do according to all that is written therein: for then thou shalt make thy way prosperous, and then thou shalt have good success.

 

Ang kanilang pagpapala ay nakabase doon. Ano ang utos na kanilang gagawin kung ito ay nawalay na sa kanilang mga bibig o kung ito ay kanilang hindi na binubulay? Ngayon nama’y sinasabi rin sa atin na;

“Mag-aral upang ipakita ang iyong sarili na ganap tungo sa Dios, isang manggagawang hindi na nangangailangan pang mahiya, na matuwid na hinahati ang salita ng katotohanan.” 2 Tim.2:15

 

Hindi ito nakabatay sa sariling interpretasyon

Ang pag-aaral na ito ay magpapakita na maraming gumagamit ng Salita ng Dios ang ipinagpipilitan ang kautusan subalit hindi naman ito sinusunod ng naaayon sa sinasabi ng kautusan. Sa ganyang paraan nagkamali ang isang mataas na Saserdote na pinagwikaan ni Pablo nang siya ay sinaktan sa bibig;

“Sa gayon ay sinabi ni Pablo sa kanya, ang Dios ang mananakit sa iyo, ikaw na pinaputing pader: sapagkat nakaupo ka baga para hatulan ako nang naaayon sa kautusan, at nag-utos ka na ako ay saktan nang laban sa kautusan?” Mga Gawa 23:3

 

Acts 23:3  Then said Paul unto him, God shall smite thee, thou whited wall: for sittest thou to judge me after the law, and commandest me to be smitten contrary to the law?

 

Isa pang halimbawa si Moses na inutusan ng Dios na pagwikaan ang bato sa Meriba subalit hinampas niya kaya hindi siya nakapasok sa lupang ipinangako. Hindi kasi sila naniwala (10) at hindi nila sinunod ang kung anong ipinagagawa sa kanila (Mga Bilang 20:8-10, 12); “Kunin ang tungkod, at ipunin mo ang kapisanan na sama-sama, ikaw, si Aaron na iyong kapatid, at magsalita kayo sa bato sa harap ng kanilang mga mata; at ito ay magbibigay ng kanyang tubig, at ikaw ay magdadala sa kanila ng tubig na mula sa bato: kaya iyong bibigyan ang kapisanan at kanilang mga hayop ng maiinom.” Mga Bilang 20:8

 

Num 20:8  Take the rod, and gather thou the assembly together, thou, and Aaron thy brother, and speak ye unto the rock before their eyes; and it shall give forth his water, and thou shalt bring forth to them water out of the rock: so thou shalt give the congregation and their beasts drink.

 

At ang masasabi ng Dios sa ginawa nila ay dahil hindi siya naniwala (12). Ito ay pagsuway sa kung anong sinabi ng Dios para gawin.

 

Isa pang halimbawa natin ang pagsuway ni Saul na hari anupa’t itinuturo sa atin na ang pagsunod ay higit sa haing handog (1 Samuel 15:22).

 

Isa pang pagkakataon noong nag-alay ng hayop na susunugin si Saul na hari samantalang si Samuel na propeta ang dapat lamang gumawa nito ayon pa sa kanyang bilin (1 Samuel 10:8; 13:8-14).

“At si Samuel ay nagsabi kay Saul, Ikaw ay gumawa ng kamangmangan: Ikaw ay hindi gumanap ng iniutos ng PANGINOON mong Dios, na kanyang iniutos sa iyo…”

 1Sa 13:13  And Samuel said to Saul, Thou hast done foolishly: thou hast not kept the commandment of the LORD thy God, which he commanded thee…

 

Katulad ng pagbibigay ng Ikapu, ito ay hindi iniutos ng Dios nang basta-basta na lamang kung kaya hindi puwede na ito ay gawin ng isang tao na pabara-bara lamang, o basta lamang magbigay ng Ikapu.

 

Marami nagsasabing isang paglabag kung ang isang bagay na hinihingi ng kautusan ay ‘di nagawa. Totoo po iyon. Subalit paano naman kung ang isang bagay ay may detalyeng paraang hinihingi subalit ‘di naman ito sinunod? Ok lang ba na basta na lang ginawa ang utos? Tingnan ang mga halimbawang ito.

1).Nang ang Panginoon ay nagpagawa ng daong kay Noah ( Genesis 6:8-22) “Gayon ginawa ni Noe; ayon sa lahat ng mga iniutos ng Dios sa kanya, kaya ganoon ang ginawa niya.” Hen.6:22  Isa itong dapat tularan.

Gen 6:22  Thus did Noah; according to all that God commanded him, so did he.

 

2).Noong nagpagawa ang Panginoon kay Moses ng Tabernakulo at mga kagamitan sa loob nito ( Exodo 25:-31:11). Mula sa paglikom ng kakailanganin (Exo.25::1-9),kung ano at paano gagawin(Exo.25:10-Exo.27: ) mga manggagawa ( Exo.31:1-6) , sa mga maglilingkod at kanilang kasuotan ( Exo.28:) at kung paano at kailan maglilingkod (Exo.29).

“Ayon sa lahat ng mga iniutos ng PANGINOON kay Moises, kaya ang mga anak ni Israel ay ginawa ang lahat ng gawain” Exo.39:42

Exo 39:42  According to all that the LORD commanded Moses, so the children of Israel made all the work.  

 

3.Noong ang Paskwa o Passover ay ipinagdiwang ay mababasa na’  “At kanilang sinagawa ang paskwa sa ikalabing-apat na araw sa unang buwan at maging sa ilang ng Sinai: ayon sa lahat ng iniutos ng PANGINOON kay Moises,kaya ganoon ginawa ng mga anak ni Israel.” Mga Bilang 9:5

Num 9:5  And they kept the passover on the fourteenth day of the first month at even in the wilderness of Sinai: according to all that the LORD commanded Moses, so did the children of Israel.

 

4.Ganoon din sa pagpabagsak ng pader ng Jericho. Mayroong mga detalyeng bagay na ipinapagawa ang Dios (Josue 6:1-5). Babagsak kaya ang mga pader ng Jericho kung nagbawas sila sa ipinapagawa ng Dios? Siguradong hindi. Subalit sinunod nila ang sabi ng Dios “…at kanilang ginawa sa anim na araw” Jos.6:14 Ginawa nila nang buong pagsunod hanggang sa ika-7 araw at sila ay nagtagumpay (20).

Kaya hindi puwedeng dagdagan, bawasan o baguhin ang sinasabi ng Salita ng Dios kasi mababago ang Kanyang layunin. Kung susunod tayo ay itama na natin. Mahalaga natin itong matutunan bago natin suriin ang paksa ng pag-iikapu. “Ikaw ay hindi dapat na magdagdag sa mga salita na aking ipinag-uutos sa iyo, ni hindi ka rin dapat magbawas mula dito, upang iyong nawang matupad ang mga kautusan ng PANGINOON  mong Dios na Aking iniuutos sa iyo.” Deut.4:2(Ganoon din sa Deut.12:32; Jeremias 26:2)

Deuteronomy 4:2  Ye shall not add unto the word which I command you, neither shall ye diminish ought from it, that ye may keep the commandments of the LORD your God which I command you.  

 

“Huwag kang magdadagdag sa kanyang mga salita, baka kanyang sawayin ka, at ikaw ay matagpuang isang sinungaling.”Kawikaan30:6

Pro 30:6  Add thou not unto his words, lest he reprove thee, and thou be found a liar.

 

Lahat ay dapat naaayon sa mga sinabi ng Panginoon (2 Hari 23:16; 1 Kronika 15:15; Exo.24:3). At patungkol naman sa pag-iikapu, marami ang gumagawa nito na HINDI naman talaga ayon sa iniutos ng Dios. Masakit mang sabihin subalit iyan ang katotohanan. ‘Di ba’t ang naisin ng mga nag-aaral ng Kanyang Salita ay kung ano ang mabuti, at katanggap-tanggap, at ganap na kalooban Niya (Roma 12:2)? Pwede bang gawin ang utos ng Dios na hindi ayon sa kung ano ang ipinagagawa Niya?

 

“Ikaw na gumagawa ng iyong pagmamapuri sa kautusan, sa pamamagitan ng pagsira sa kautusan ay winawalan mo ng puri ang Dios?” Roma 2:23

Rom 2:23  Thou that makest thy boast of the law, through breaking the law dishonourest thou God?

 

Simulan na natin.