Sagot sa mga Tanong 11-20

11.Pwede bang sambahin at purihin si Maria?

Hindi. Kung ang pagsamba (pagluhod) ay ginagawa sa isang kapareho nilikha ay hindi ito karapat-dapat. Ang mga may takot sa Dios ay itinutuwid ito agad (Mga Gawa 10:25-26;14:11-18; Pahayag 19:10). Ganyan ang pagtutuwid na ginawa nila Pedro at Pablo, pati ng anghel, nang sila ay luhuran at sambahin ng kapwa nila nilikha. Dios lamag ang dapat na sambahin at purihin (Mateo 4:10). Tingnan ang ginawa ng mga Mago, sinamba nila ang Panginoong Hesus subalit hindi si Maria o kahit si Jose (Mateo 2:11). Ang salitang “siya” ay katumbas sa English na “HIM”, ibig sabihin ay lalaki “At nang sila ay makapasok na sa bahay, kanilang nakita ang bata na kasama si Maria na kanyang ina, at nagpatirapa, at sinamba siya: at nang kanilang binuksan ang kanilang mga kayamanan, kanilang ibinigay sa kanya ang mga regalo; ginto, at kamangyan, at mira.” Mat 2:11

Kung ang pagpupuri ay sa antas lamang na pagkilala sa isang tao ay marapat ito (Roma 13:7), subalit kung may espiritwal na kaisipang kalakip ay hindi ito pwede.

Si Elizabeth, sa gabay ng Espiritu ng Dios, ay nagsabing “Pinagpala ka sa mga babae…”(Lukas 1:42) at ang anghel man ay nagsabi nito (Lukas 1:28) subalit hindi ito sa kunteksto ng pagpupuri sa Dios o sa Tagapagligtas. Ang iniisip ng ilan ay may kakayahan si Maria na magligtas kaya sila nagpupuri subalit mali ito. Si Maria ay pinagpala lamang (Lukas 1:28) at malaki ang kahigitan ng nagpapala sa pinagpala. Ang sabi pa nga ng Panginoon, kung ikaw ay nakikinig at nagsasagawa ng Kanyang mga Salita ay mas mapalad ka pa kay Maria (Lukas 11:27-28).”At ito’y nangyari, habang kanyang sinasalita ang mga bagay na ito, isang babae mula sa karamihan ang nagtaas ng kanyang tinig, at sinabi sa kanya, Mapalad ang sinapupunan na nagdala sa iyo, at ang mga suso na iyong sinusuhan. Subalit kanyang sinabi, Oo bagkus, mas mapalad sila na nakikinig ng salita ng Dios, at gumaganap nito.”

Walang mga mananampalataya ang sumamba kay Maria. Ito kasi ay ‘di nararapat. (Roma 1:25)

Ang mga salitang Latria (para sa Dios), Hiperdulia (kay Maria) at Dulia (sa mga banal) ay mga salitang ginamit ng mga kaparian upang bigyang linaw ang “veneration‟ o pagpapahalaga sa mga personang nabanggit. Subalit sa mga ginagawa ng tao kay Maria at sa mga tinawag nilang Santo ay pagsamba na ito sa mga dios-diosan o sa ibang dios. “Sa kadahilanang ito’y Dios din ang nagbigay sa kanila sa karumihan sa pamamagitan ng mga pita ng kanilang sariling mga puso, upang alisang puri ang kanilang sariling mga katawan sa pagitan ng kani-kanilang mga sarili:Kanilang pinalitan ang katotohanan ng Dios sa kasinungalingan, at sinamba at pinaglingkuran ang nilikha higit pa sa Manlilikha, na siyang pinagpala magpakailanman. Amen.” Rom 1:24-25

12.Pwede bang maglingkod kay Maria o maging alipin n’ya?

Hindi.Sabi ng Panginoon ay sa Dios lamang tayo maglilingkod (Mateo 4:10; Roma 1:25) kaya si Maria ay hindi marapat paglingkuran. Si Maria ay kaparehas din natin na alipin ng Dios (Lukas 1:38,48). Ang mga ginagawa kasi ng mga tao sa kanya, na may maling pagkaunawa sa kung sino siya, ang dahilan kung bakit humihigit sa tamang paggawa ang mga tao. Ang mga alagad ay hindi naglingkod kay Maria sa paraang ginagawa ngayon. “Aking ipinamamanhik sa inyo samakatuwid, mga kapatid, sa pamamagitan ng mga kahabagan ng Dios, na inyong ialay ang inyong mga katawan bilang buhay na handog, banal, katanggap-tanggap tungo sa Dios, na siya ninyong makatuwirang paglilingkod. At huwag na kayong magsiayon sa sanlibutang ito, kundi kayo’y mag-iba sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip, upang mapatunayan ninyo kung ano ang mabuti, katanggap-tanggap, at perpektong kalooban ng Dios.” Roma 12:2

13.May silbi ba ang panalanging “Aba Ginoong Maria” ?

Ang panalanging ito ng mga katoliko, bagamat may ilang linya na kuha sa Biblia, ay walang silbi sa paningin ng Dios. Una, ipinagbabawal ng Dios ang paulit-ulit na panalangin gaya sa mga Hentil o Pagano (Mateo 6:6-8). “At kapag kayo’y mananalangin, hwag gagamit ng walang-kabuluhang paulit-ulit, gaya ng ginagawa ng mga pagano: sapagkat kanilang iniisip na sila’y mapapakinggan sa kanilang napakaraming pagsasalita. Huwag nga kayong tumulad sa kanila: sapagkat ang inyong Ama ay nakakaalam na kung anong mga bagay ang inyong kailangan, bago pa kayo humingi sa kanya.”

Pangalawa, ang ginawang panalanging ito, bagama’t kuha ang iba sa Biblia, ay hindi naman talaga isang panalangin kagaya ng Ama namin (Mateo 6:9-13) kundi ito ay mga salitang sinabi lamang sa isang tao at pinagkabit-kabit at ginawang isang panalangin. Tingnan natin ang mga kalabisan.

1.Hail Mary (Aba ginoong Maria)-Ibig sabihin ng anghel sa salitang “Hail‟ ay “magalak ka”. Ang salitang “ginoo‟ ay pwede lamang sa lalaki subalit kung ito ay sa pakahulugang katumbas ng salitang “Panginoon” ay hindi ito marapat (Lukas 1:28)

2.Full of grace (Napupuno ka ng biyaya). Ito ay hindi sinabi kay Maria kundi sa Panginoon (Juan 1:14).“And the Word was made flesh, and dwelt among us, (and we beheld his glory, the glory as of the only begotten of the Father,) full of grace and truth.”

3.The Lord is with you (ang Dios ay sumasayo) sa Lukas 1:28 ay nabanggit ito.

4.Blessed are thou among women (bukod kang pinagpala sa lahat ng babae) . Sinabi ito ng anghel at ni Elizabeth (Lukas 1:28,42)

5.And blessed is the fruit of thy womb Jesus (at pinagpala naman ang bunga ng iyong sinapupunan na si Hesus.) Sinabi ito ni Elizabeth sa Lukas 1:42

Ang sagot sa panalanging ito ay

6.Holy Mary, mother of God (Santa Maria ina ng Dios) Hindi ito nakasulat sa Biblia kundi ginawa lamang ng tao. (Tingnan ang seksyon ng: mother of God)

7.Pray for us sinners, now and at the hour of our death , Amen. (Ipanalangin mo kaming mga kasalanan, ngayon at sa oras ng aming kamatayan, Amen).

Ang Panginoong Hesus lamang ang nabuhay na mag-uli (Roma 8:34) at namamagitan para sa atin at siya lamang ang nananalangin para sa atin.Siya lamang ang umakyat sa langit (Juan 3:13; 6:62) at patuloy na nananalangin sa Ama para sa atin (Roma 8:34; Hebreo 7:22-25).

14.Pwede bang pangunahan ni Maria ang Panginoong Hesus?

Sa usaping patungkol sa kaugnayan sa laman ay sawari ko’y pwede ito, subalit sa usaping espiritwal ay hindi ito pwede. Tingnan natin sa mga talatang ito na na si Maria ay nasansala ng Panginoong Hesus nang siya ay magtangkang manguna sa Kanya (Juan 2:2-4; Lukas 2:48-49)“At nang kanilang Makita siya, sila ay namangha: at ang kanyang ina ay nagsabi sa kanya, Anak,bakit ikaw ay gumawa ng ganyan sa amin?  narito, ang iyong ama at ako na hinahanap kang may hapis. At sinabi niya sa kanila, Bakit ninyo ko hinahanap? di baga ninyo alam na dapat akong nasa gawain ng aking Ama?”Lk. 2:48-49 

15.Ano ang mga mabuting halimbawa ni Maria?

  • Si Maria ay may pagkilala sa Salita ng Dios “At sinabi ni Maria, Masdan ang alipin ng Panginoon; mangyari sa akin ayon sa iyong salita.”Lukas 1:38 Ang salita na sinabi ng anghel ay mula sa Dios (Lk.1:26) “At mapalad siya na naniwala: sapagkat mayroong pagganap sa gayong mga bagay na sinabi sa’yo mula sa Panginoon.”Lukas 1:45
  • Bilang sila ay nasa ilalim pa sa pagsunod sa kautusan ay ginaganap niya ang ganitong mga bagay bilang pagtupad. Sumusunod siya sa kautusan Lk.2:21-24,27,39, 41-43) at ang kanyang tradisyon ay batay sa utos ng Dios
  • Kinikilala niya ang Salita ng Dios at iniingatan ito (Lukas 1:38; 2:19,51)
  • Si Maria ay Kumikilala Lamang sa Dios (46- 47)
  • Si Maria ay Naniniwala na anumang Imahenasyon ng Puso ay ‘di magtatagumpay (Lk.1:51)
  • Nais ni Maria na makinig tayo sa Panginoon (Juan 2:5) at hindi siya nag-utos na tayo ay “magrosaryo‟.
  • Kasama siya sa mga kumikilala sa Salita ng Dios at nananalangin (Mga Gawa 1:14)
  • Masunurin siya sa pamunuan (Lukas 2:1-5)
  • Ibinigay niya ang luwalhati sa Dios at hindi kailan man nakipantay sa Dios (Lukas 1:46,49)
  • ‘Di siya nainggit sa pagsamba na ginawa ng mga Mago sa Panginoong Hesus (Mateo 2:11) at hindi siya kailan man nagnais na sambahin
  • Masunurin siya sa asawa
  • Hindi siya magagalitin sa anak (Lukas 2:48) hindi agad namalo
  • May kakuntentuhan at hindi reklamador (Lukas 2:67)

Tularan natin ang mga katanginang ito na hindi naisasangtabi ang Salita ng Dios.

16.Si Maria ba ay asawa ng Espiritung Banal?

Dahil sa si Maria ay nagbuntis sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu na lumukob sa kanya ay inisip na ng mga kaparian ang maselang bagay na namamagitan sa mag-asawa kung kaya sa aklat na “Pasyon” na isinulat noong taong 1884 ay mababasa natin na ang esposo (o asawa) ni Maria ay ang Banal na Espiritu. Salungat ito sa Banal na Kasulatan.

17.Tama bang maging deboto tayo ng isang tao?

Ang debosyon ay ibinibigay lamang para sa Dios at hindi sa tao kung espiritwal ang pinag-uusapan. Ang mga alagad ay hindi gumawa ng ganito. Sa Lumang Tipan ng KJV Bible ay nabanggit na literal ang salitang devoted

 “Notwithstanding no devoted thing, that a man shall

devote unto the LORD of all that he hath, both of man and beast, and of the field of his possession, shall be sold or redeemed: every devoted thing is most holy unto the LORD.” Lev 27:28

 “Gayon pa man ay walang itinalagang bagay, na itatalaga ng tao sa PANGINOON mula sa lahat na meron siya, kapuwa tao man o mga hayop, at mula sa bukirin na kanyang pag-aari, ang ipagbibili o matutubos: bawat itinalagang bagay ay higit na banal ukol sa PANGINOON.”

18.May mga kahinaan ba si Maria o limitasyon?

>May takot din (Lukas 1:30)

>Nakakaligta o nakakalimot (Lukas 2:43)

>Nagbabakasakali o nagpabaya (Lukas 2:44)

>Mahirap ding makaunawa (Lukas 1:29; 2:50)

>Nagtataka pa din (Lukas 2:33, 48). Kung siya ay Dios ay hindi niya kailangang magulat.

Ano ang katiyakan ng mga tao sa paglapit sa kanya kung merong siyang ganitong mga limitasyong nabanggit noon pa man? Hindi katulad ng Panginoon na ang Kanyang kaluwalhatian ay pansamanatala muna Niyang isinag-tabi, subalit si Maria ay walang ganoong uri ng kaluwalhatian

19.Ang panalanging “Hail Holy Queen ” ba ay OK?

Ang panalanging ito na sa Latin (Salve Regina) ay gawa ng isang paring German na si Hermann of Reichenau (Hermannus Contractus or Hermannus Augiensis or Herman the Cripple) noong ika-11 siglo.Ito ay isa sa 4 (Alma Redemptoris Mater, Ave Regina Caelorum, Regina Coeli & Salve Regina ) na mga awitin na inaawit ng mga Katoliko para kay Maria. Subalit ito ay hindi batay sa Salita ng Dios kundi imbento lamang ng mga Pari kaya hindi ito OK.

Ayon sa aklat na “The Glories of Mary”, page 623 ang Salve Regina ay patungkol sa pagbibigay ng Dios kay

Maria bilang Pintuan o “Gate of Heaven”. Ito ay malaking kamalian.

Hail Holy Queen

“Hail, holy Queen, Mother of Mercy!

Our life, our sweetness, and our hope!

To thee do we cry, poor banished children of Eve;

to thee do we send up our sighs, mourning and weeping

in this valley of tears. Turn, then, most gracious Advocate, thine eyes of mercy toward us;

and after this our exile show unto us the blessed fruit of thy womb, Jesus.O clement, O loving, O sweet

Virgin Mary.”

Ilan sa mga kalabisan ng panalanging ito:

>Si Maria ay hindi nabanggit sa Biblia bilang “Reyna”. May ilang paniniwala din na gumagamit ng Reyna ng Langit kagaya ng mga pagano (Jer.7:18;44:17-19,25).

>Ang Panginoon lang ang ating “Life”  “Kapag si Kristo, na siyang ating buhay, ay mahayag, kung gayon kayo rin ay mahahayag na kasama niya sa kaluwalhatian.” Col 3:4

>Ang Panginoon lang ang ating “Hope”

 “Si Pablo, isang apostol ni Hesus Kristo sa pamamagitan ng mga utos ng Dios na ating Tagapagligtas, at ng Panginoong Hesus Kristo, na siyang ating pag-asa;” 1Ti 1:1

> Ang Panginoon lamang ang “Advocate”

 “Aking mumunting mga anak, itong mga bagay na ito ay

sinusulat ko sa inyo, upang kayo’y huwag magkasala. At

kung sinumang tao ang magkasala, tayo ay merong  isang tagapagtanggol sa Ama, si Hesus Kristo na matuwid:” 1Jn 2:1

Nakita mo na ang pagpapantay na ibinibigay sa kanya? Isa itong kamalian.

20.Si Maria ba ang kaganapan ng hula sa Genesis 3:15?

Si Mari ay may larawan o imahen na nakatapak sa mundo at ang ulo ng ahas ay natatapakan niya bilang pag-angkin sa Genesis 3:15. Subalit hindi siya ang kaganapan ng hula. Una, si Eba ang tintutukoy na babae sa talata. Pangalawa, hindi ang babae kundi ang kanyang binhi ang dudurog sa ulo ng ahas at ito ay tumutukoy sa Panginoong Hesus (Heb.2:14) na siyang gumupo sa gawa ng diablo.