Naisip mo rin ba?

Naranasan ko rin nang aking natutunan itong katotohanan na ito at ibinahagi sa iba, na sila ay nagalit sa akin, o na para baga na ako ay nagsabi ng isang bagay na hindi ayon sa Biblia. Naalala ko tuloy si Pablo na nagsabi, “Ako ba kung gayon ay naging inyong kaaway, dahil aking sinasabi ang katotohanan?“Gal.4:16

     Nais kong sabihin na ang pag-aaral na ito ay maaaring bago sa iyo. Pag-aralan natin kung papaano ang tunay na pagkilala sa unang pagparito ni Kristo, na karaniwang alam ng marami na Pasko. At sa panahong ito ng ebanghelyo ng biyaya, dapat nating kilalanin na ang pamamaraan ng Dios sa iglesia (church) na Siyang Kanyang katawan ay hindi parehas sa pamamaraang mababasa sa Luma at Bagong Tipan tungkol sa Israel. Mali rin ang tradisyunal na hati ng mga aklat sa Bago at Lumang Tipan. Dapat ding kilalanin na si Pablo na apostol ang siyang pinagkatiwalaan ng mga bagay patungkol sa katawan ni Kristo na siyang Iglesia at ang mga sulat niya ay utos ni Kristo (1 Co.14:37) na Panginoon natin. Dapat nating maunawaan na ang ebanghelyo tungkol sa unang pagparito ni Kristo ay limitado lamang sa mga Israelita sapagkat sa panahong yaon ang salitang ‘bayan ng Dios’ ay limitado sa Israel ayon pa sa kasulatan (Mt.1:21, Lk.24:21). Isang hamon sa iyo na suriin mong mabuti ang iyong pinaniniwalaan at tularan ang halimbawa ng mga taga-Berea.      “Ang mga ito’y mas lalong mararangal kesa sa mga taga-Tessalonika, sa dahilang kanilang tinanggap ang salita nang may buong kahandaan ng kanilang isip, at sinisiyasat ang mga kasulatan araw-araw, kung ang mga bagay na ito ay totoo.” Mga Gawa 17:11

(Ang mga bersikulong ginamit ay salin mula sa King James Bible)

ILANG MGA REFERENSYA:

1828 Noah Webster Dictionary, Smith’s Bible Dictionary,

Microsoft Encarta & Dictionary, The Catholic Encyclopedia Vol.III at ang King James Version

(Hindi po nangangahulugan na dahil gumamit ang may-akda ng mga referensyang ito ay sumasang-ayon na sa mga paniniwala ng mga nagsulat nito. Ang layunin ng pagbanggit ng mga ito ay upang inyo ring makita na ang mga pinag-uusapan dito ay hindi isang imbento lamang.)

Makipag-ugnayan kung kayo ay may mga katanungan sa bagay na ito, pangangailangan sa panalangin o sa Bible study sa inyong lugar.