Sagot sa mga Tanong 21-30

21.Ano ba ang mga hindi magagawa ni Maria?

  • ‘Di Siya makakapamagitan para sa iba: Una’y meron lamang isang Tagapamagitan “Sapagkat may iisang Dios, at iisang tagapamagitan sa pagitan ng Dios at tao, ang lalaking si Kristo Hesus;”1 Timoteo 2:5 ‘Di niya puwedeng pangunahan ang Panginoong Hesus. (Tingnan ang mga pangyayari sa Cana Jn.2:3-5 at sa templo Lk.2:48-51.
  • Di Siya makapagliligtas.Si Maria ay kabilang sa mga nagkasala sapagkat siya ay isang tao lamang.“Sapag-kat ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Dios;”Roma 3:23 at siya mismo ay nangangailangan din ng Tagapagligtas na ayon pa sa kanya “At ang aking espiritu ay nagalak sa Dios na aking Tagapagligtas.” Lk 1:47 Dios lang ang Tagapagligtas.
  • ‘Di Siya makatutugon sa panalangin. Siya ay patay pa at ‘di pa nabubuhay na mag-uli. Ang layunin po ng Dios sa pagtawag kay Maria ay tapos na. Ang nasa langit lang na nananalangin ay ang Panginoon, (“Sino siya na magsasakdal? Si Kristo na namatay, oo bagkus, na nabuhay muli, na siya rin ay nasa kanang kamay ng Dios, na siyang gumagawa ng pamamagitan para sa atin.”)Roma 8:34

22.Ano ang layunin ni Maria sa mundo?

Si Maria ay ang katuparan ng hula sa Lumang Tipan (Isaias 7:14) “Ngayon ang lahat ng ito’y naganap, upang ito nawa ay matupad yaong sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta,na nagsasabing, Masdan, isang birhen ang magdadalang-tao, at magsisilang ng isang lalaking anak,at kanilang tatawagin ang kanyang pangalan na Emmanuel, na kung ipakahulugan ay, ang Dios ay kasama natin.”Mateo 1:22-23 At ayon pa sa anghel “At siya’y magluluwal ng isang lalaking anak, at iyong tatawagin ang kanyang pangalan na HESUS: sapagkat kanyang ililigtas ang kanyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan.”Mateo 1:21 Sa madaling sabi, si Maria ay instrumento ng pagsilang ng isang Mesias, yaong nahayag sa laman (Juan 1:14), subalit hindi siya ang instrumento sa pagliligtas o pagtutubos.

23.Sinabi ba niyang magrosaryo ang mga tao?

Ang mga salitang “Please, pray the rosary” ay mga katagang sinabi daw ni Maria sa Paring si Dominic noong ika-12 siglo (Rosaries). Sa pamamagitan daw ng pagrorosaryo ay makakapamagitan daw si Maria sa tao at sa Panginoong Hesus at may pangako pa ito sa paring Dominiko. Subalit hindi na kailangan ng Panginoon ang sinuman at ang sasabihin ng sinuman dahil kilala na Niya ang lahat ng mga tao, “Subalit si Hesus ay ‘di nagkatiwala ng kanyang sarili sa kanila, sapagkat kanyangnakikilala ang lahat ng mga tao. At hindi na nangangailangan na may sinuman na magpatutuo tungkol sa tao: sapagkat kanyang nalalaman kung ano ang nasa tao.”Jn. 2:24-25

24.Ano-ano ba ang nagawa ni Maria?

Para sa kaalaman ng marami, si Maria ay naging mabuting ina at asawa. Walang mahimalang bagay na ginawa itong si Maria, kundi, siya ay tumanggap ng himala nang ang Banal na Espiritu ay lumukob sa kanya.

25.Siya ba ang “Queen of Heaven”?

Si Maria ay hindi kailan man tinawag na ganito. Isang insulto kay Maria kung siya ay tatawagin na “Reyna ng Langit”. Para sa kaalaman ng marami, ang Salita ng Dios ay may binabanggit din na Reyna ng langit, subalit ito ay tumutukoy sa dios-diosan ng maga pagano. Ang pagsamba, panalangin, pag-aalay at paglilingkod na ginagawa sa Reyna ng langit na ito ay nagdudulot para magalit ang Dios (Jeremias 7:18; 44:17,18,19,25). Isa pa ay wala pa si Maria sa langit at hindi pa siya nakakaakyat doon.

26. Sinugo ba si Maria?

Si Maria ay hindi kalian man sinugo ng Dios o maging ng Panginoong Hesus. Ang mga babae ay hindi isinugo para maging mangangaral o magpastor man lamang. Noong pumili ang Panginoon ng 12 o 70 na mga alagad o inutusan Niya na mangaral ay wala man lang kahit isang babae na isinama sa pagsusugo(Kukas 10:1).

“Ang mga babae ay matuto na manahimik nang may buong pagpapasakop.Subalit ako’y hindi nagpapahintulot sa isang babae na magturo, ni mang-angkin ng pamumuno sa lalaki, kundi na siya ay manahimik.” 1 Tim.2:11-12

“Hayaang ang inyong mga babae ay manatiling nananahimik sa  mga iglesia: sapagkat ito’y hindi ipinapahintulot sa kanila na magsalita; subalit sila ay inuutusan na mapasailalim sa pagsunod, gaya rin ng sinasabi ng kautusan.At kung sila’y may matututunang anumang bagay, ay sila’y magtanong sa kanikanilang mga asawang lalaki sa bahay: sapagkat ito’y kahiya-hiya para sa isang babae na magsalita sa ng iglesia.”1 Kor.14:34-35                              

27.Sino ang mas mapalad pa kay Maria?

“At ito’y nangyari, habang kanyang sinasalita ang mga bagay na ito, isang babae mula sa karamihan ang nagtaas ng kanyang tinig, at sinabi sa kanya, Mapalad ang sinapupunan na nagdala sa iyo, at ang mga suso na iyong sinusuhan. Subalit kanyang sinabi, Oo bagkus, mas mapalad sila na nakikinig ng salita ng Dios, at gumaganap nito.” Lk. 11:27-28 Kaya’t kung ikaw ay nakikinig at nagsasagawa ng ayon sa Salita ng Dios ay higit ka pang mapalad kay Maria.

28.Ano ang tamang pagkilala sa tao?

“Ang mga bagay na ito, mga kapatid, ay aking ginawang maianyo sa aking sarili at kay Apollos para sa inyong kapakanan; upang inyong matutunan sa amin na huwag mag-isip sa tao ng higit sa kung anong nasusulat, na walang sinuman sa inyo ang magpalalo ang isa laban sa iba.” 1 Co.4:6 

“Huwag ipahintulot sa akin, Aking idinadalangin sa iyo,

 ang pagtanggap sa pagkatao ninuman, ni huwag akong

 hayaang gumamit ng mga pakunwaring mga titulo sa tao. Sapagkat di ko nalalaman ang magbigay ng mga pakunwaring mga titulo; na sa paggawa ng gayon ang aking manlilikha ay madaliang kukunin ako papalayo.”

Job 32:21-22

     Sinasabi sa mga talatang ito na hindi na kailangan ang mga mabulaklak at matatamis na papuri sa tao sa kadahilanang ito’y maaaring magdulot sa kapaimbabawan

o pagmamataas.

29.Ano ang hindi dapat gawin tungo sa kanya?

1.Si Maria ay ‘di kailan man tumanggap ng pagsamba. Ang mga Pantas ay sinamba hindi siya kundi si Hesus (Mt.2:11) kung kaya’t ‘di dapat na sambahin si Maria.

2. Si Maria ay ‘di kailanman tumanggap ng alay (Mt.2:11) kundi si Hesus na Panginoon kaya’t ‘di dapat mag-alay sa kanya.

3.Si Maria ay ‘di kailanman pinananalanginan .

4.Si Maria ay ‘di dapat gawan ng imahen sapagkat labag sa utos ng Panginoon ang paggawa ng ganong bagay.(Basahin ang “Demetrius Mentality 1-8”.)

30.Ano ba ang nais ni Maria?

Kagaya natin, si Maria man ay may nais na mangyari. Sa Juan 2:5 mababasa natin na nais nya na gawin natin ang anumang ipinag-uutos ng Panginoon. Hindi niya nais na tayo ay magrosaryo. Pero kung alin ang hindi iniuutos ng Panginoon ay bakit ‘yon ang ginagawa nila? At kung ano ang iniuutos ng Panginoon ay bakit hindi ito ang gawin ng tao? At sa pag-aaral ng Biblia na matuwid na hinahati ay dapat matutunan natin na hindi lahat ng utos ay pwede nating gawin sa panahon ngayon. Kung may nagbago man ay dapat makit pa rin natin itong ayon sa sinasabi ng Dios sa Kanyang mga Salita.