Ano ang pag-iikapu?

SAGOT: Ang pagbibigay ng ‘Ikapu’ ay isang Kautusan na batay sa Lumang Tipan. Ito ang pagbibigay ng mga Israelita ng ikasampung bahagi ng kanilang mga tinatangkilik sa lipi ng mga Levita.

 

Ang salitang ikapu ay mababasa natin na unang ibinigay ni Abraham (Hen.14:20) at sa huling pagkabanggit naman nito sa Aklat ng Hebreo ay si Abraham naman ay tumanggap nito,

Gen 14:20  At purihin ang Kataastaasang Dios, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay. At binigyan siya ni Abram ng ikasangpung bahagi ng buong samsam.

 

Heb 7:9  And as I may so say, Levi also, who receiveth tithes, payed tithes in Abraham.

Heb 7:10  For he was yet in the loins of his father, when Melchisedec met him.

 

At gaya ng karunungang mababasa natin sa Mga Gawa 18:15, na kung ang usapin ay patungkol sa Kautusan ay tingnan natin sa Kautusan upang hindi tayo magkamali.

 “Subalit kung ito ay pagtatanong tungkol sa mga salita at mga pangalan, at ng inyong kautusan, ay tumingin kayo doon, sapagkat ako’y hindi magiging hukom sa ganoong mga bagay”Mga Gawa 18:15

Acts 18:15  But if it be a question of words and names, and of your law, look ye to it; for I will be no judge of such matters.

  • Ano ba ang Ikapu?
  • Kailan ito nagpasimula na maging isang batas?
  • Paano ba ang tamang pagbibigay ng Ikapu?
  • Ito ba ay nararapat pang ipatupad sa iglesia para gawin ng mga Kristyano?

 

Ginagawa mo man ito o hindi, ito man ang paniniwala mo o hindi, ang babasahing ito ay may paanyaya na nawa’y patuloy kang magsuri sa liwanag ng Salita ng Dios. Nawa’y meron kayong bukas na kaisipan at Aklat ng Kasulatan. Gabayan nawa kayo ng Dios na Siyang nagbibigay ng pagkaunawa sa Kanyang mga salita. “At inyong makikilala ang katotohanan ,at ang katotohanan ang sa inyo‟y magpapalaya.” Jn.8:32

Joh 8:32  And ye shall know the truth, and the truth shall make you free.

 

SAGOT:Ito ay utos ng PANGINOON tungkol sa pagbibigay ng ikasampung bahagi ng mga bunga ng agrikultura, kagaya ng mga tanim at hayop, para sa Panginoon at ito ay nagiging banal sa KANYA. Ang utos na ito ay matatagpuan sa Lumang Tipan.

 

Ito rin ang kanilang HEAVE Offering

Num 18:24  Ngunit ang ikasangpung bahagi ng tinatangkilik ng mga anak ni Israel, na kanilang ihahandog na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, ay Aking ibinigay sa mga Levita na pinakamana: kaya’t aking sinabi sa kanila, Sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana.

 

Num 18:24  But the tithes of the children of Israel, which they offer as an heave offering unto the LORD, I have given to the Levites to inherit: therefore I have said unto them, Among the children of Israel they shall have no inheritance.